Unang una sa lahat, gusto ko lang sabihin sainyo kung gaano ako napeke ng Anti-Angry Birds Bill na iyan. Stir akala ko naman totoo na, at kung ano pa. Kaya pala nagtataka ako kung bakit wala pa akong nababalitaan sa TV ng ganito. Pero I guess, magiging topic na ito soon.
Hindi ako nag post neto para sabihin kung gaano ako naging tanga dahil sa post na yan pero eto na, magsisimula na ako.
Nagsimula ang issue na ito ng mabasa ko ang isang news dito sa site na ito. So, What's News?
Makikita mo dun, kung ano ang Bill ang congressman na nag pass at kung ano pang mga kasinungalingan. Spoof lang pala ang lahat, joke joke lang. Pero maraming mga tao ang nag react, nainis, at napamura sa kanilang mga nabasa o mga narinig.
Tanga nga ba ang pinoy para gumawa ng napaka walang kwentang BILL? Nag iisip nga ba ang
mga congressman o mga pinuno ng ating nasyon para sa ika uunlad ng ating bansa? O sadyang nag papabango lang sila ng kanilang sarili para mag mukhang kaaya aya sa publiko?
Maraming tao ang nagalit sa kanilang nabasa, at dahil nga sa nagpadala na sila sa kanilang emosyon ay nagsimula na silang, magpost ng mga kung anu anong hinanakit na kanilang nararamdaman tungkol sa nasabing balita.
Masisisi mo ba sila kung naging agresibo agad sila, at hindi nila nabasa na JOKE lang pala ang lahat?
Masisisi mo ba sila na makita ang mali ng mga pinuno natin?
Masisisi mo ba sila, kung naging aware sila sa mga nangyayari dito sa PINAS?
Masisisi mo ba sila, kung may malasakit pa sila sa PINAS?
Masisisi mo ba sila kung, napahiya sila at napeke sila ng balitang iyon?
Kahit ano pa ang dahilan, isa lang ang masasabi ko. NAPEKE AKO! STIR! natunganga ako as in. Pakiramdam ko ako lang ata sa buong mundo ang hindi nakahalata na BIRO lang pala iyon. Ang BOBO ko yun ang unang pumasok sa isip ko. Pero, hindi ee. PILIPINO ako. Talaga namang magagalit ako kung sakaling may ganoong klaseng BILL na ipapatupad.
Hindi ako tanga, dahil sa hindi ko nabasa agad na SPOOF ang lahat, sadyang naantig lamang ang aking damdamin.
Hindi ako bobo, dahil nag comment agad ako o nagreact man.
Para din ito sa mga taong napeke, ng SITE na iyon. Natatawa nalang ako sa laki ng pag kakamali ko.
Ito ay isang comment galing sa nasabing website:
i guess the reactions here only proves how fanatic the Filipinos are with ANGRY BIRDS..but let us be careful next time in making satire articles because a sensitive issue was touched here..i pity the congressman whose name was used in the article..think of the effect to his family..sana wala na lang binanggit na name ng tao kung fictitional din lang pala ito..
Ang masasabi ko lang, tama siya sana maging maingat tayo minsan sa pag post ng mga PEKENG news. Kasi hindi naman lahat ng tao, mahahalata kung peke ba ito o hindi. Kahit na sabihin nating may description ang website na iyon. Iba parin ang unang makita ng mata mo, yun na ang makakakuha ng atensyon mo. Kaya sana be careful of your words kagaya nito.
TANGA! POLITICAL SATIRE NGA EH. BOBO. MAGISIP KAYO MGA PUTA. NAKAKABADTRIP EH, HAHAHAHHAHA MGA BOBO TALAGA!! POLITICAL SATIRE ITO. ANTAYIN NIYO SA NEWS TO AH KUNG GANO KAYO KABOBO.
Oh diba? may kasama pang mura? Pinakita niya lang dito kung gaano siya katalino at kung gaano tayo kabobo. Pero, naman po. Hindi po sa pag disrespect. Imbis naman po kasi sabihin ng maayos ang lahat kailangan pa talagang i-emphasize kung gaano kabobo ang isang tao? Ganoon ba talaga dapat iyon?
Kaya hindi magkakaayos ee, kasi ang daming taong akala nila SUPERIOR na sila.
Tama na, mali nga nag react ng basta basta ang tao pero hindi kailangan na ipamukha mo sakaniya na BOBO siya. Kung sana sinabi mo ito ng matiwasay, di sana tunawa nalang kayo pareho diba?
Mas malala pa pala sa Anti-Angry Birds Bill ang mababasa ko sa wesbite na iyon. Na disappoint ako ng husto, sa mga pinakitang ugali nila. Alam kong hindi ko sila dapat husgahan dahil hindi ako DIYOS. Pero sinasabi ko lang ang opinyon ko ukol sa sitwasyong ito.
Source: So, What's News?, GOOGLE IMAGE